Total Pageviews

Sunday, October 9, 2011

When they're asking you to do something that you don't want to do

so eto nga.. nagkaroon ng pakulo ang office na gumawa ng talent show na parang America's Got Talent.. Each team was asked to have a representative.. Eto yung problema.. Wala kaming volunteer..

Nabanggit yung pangalan ko.. At umayaw ako.. At ilang araw nila akong pinipilit.. At ilang beses din ako umayaw..

I mean..  GAANO BA KAHIRAP INTINDIHIN YUNG AYOKONG SUMALI SA CONTEST NA YUN? Hindi ko naman pinagyayabang na may talent ako.. Oo marunong ako kumanta, oo may alam ako sa pagluluto, pero ginagawa ko yun because it's something that makes me happy at hindi ko yon ginagawa para magpasikat, sumipsip o magyabang.. MAHIRAP BA INTINDIHIN YON?

Isa pa, ako ang isasali e hindi ko nga alam kung aabot pa ako sa trabaho next week, dahil for some twisted reason, ang boss namen e nagpapa end of contract pag natripan nya.. I am already reviewing my options..

Ang nakakaasar pa dito, nasa bahay na lang ako, may mga nagtetext pa, worse, hindi na nila ako tinatanong kung gusto kong sumali, inuutusan na nila ako na magready ng ipepresent ko, gawd.. Hindi ko ikayayaman ito, hindi ko ikapo-promote, so sana tigilan na nila ako..

I felt disappointed kasi naconsume ko yung weekend ko thinking of how I can make my teammates understand na ayokong sumali.. I thought of making a bargain, na ang motive e makaganti dun sa nagtext sakin na inutusan ako magprepare ng number.. But I realized na hindi ko dapat ibaba yung sarili ko dahil lang dun.. Na ayokong gumanti dahil hindi nakakabuti yun..

Disappointed din ako dahil hindi naman ako basta basta bumibigay sa ganitong sitwasyon.. Kaso it brought a lot of stress to a point na I feel that I will be dragging my feet to work.. Dahil pagpasok ko pipilitin na naman nila ako..

Hay..

1 comment:

Unknown said...

pag may pumilit syo ulit, try mo sabihin na

"Wag na! Gusto mong daganan kita ha?" Try lang LOL

Suppppperrrrrr belated happy birthday dudung!

Post a Comment