I have just realized that the more I grow older the more emotional I become..
I remember when my sister graduated, as I see her walking, I felt na parang may kumurot sa puso ko, I was trying to hide my tears, I was proud of her.. It happened again nung oathtaking nila.. I don't know if it was the background music.. Pero ayun, nangilig na naman ang luha ko ang nanikip ang lalamunan..
Nung birthday ko nagtext yung kapatid ko.. I was so touched na habang nagko-calls ako e basag basag yung boses ko kasi pinipigilan ko ang humikbi..
Tapos nung napanuod ko yung No Other Woman, sobrang naramdaman ko yung acting ni Cristine Reyes, lalo na yung pagkatapos nung confrontation nila ni Anne sa may pool, after nila mag-away ni Derek it was as if gusto kong puntahan sha tapos damayan nung mga panahong yon..
Yung mga madramang posts sa FB and Youtube pag nakikita, nababasa't napapanood ko di ko mapigilan ang maluha..
Ganun ba talaga pag tumatanda? Nagiging emosyonal sa mga bagay-bagay?
so eto nga.. nagkaroon ng pakulo ang office na gumawa ng talent show na parang America's Got Talent.. Each team was asked to have a representative.. Eto yung problema.. Wala kaming volunteer..
Nabanggit yung pangalan ko.. At umayaw ako.. At ilang araw nila akong pinipilit.. At ilang beses din ako umayaw..
I mean.. GAANO BA KAHIRAP INTINDIHIN YUNG AYOKONG SUMALI SA CONTEST NA YUN? Hindi ko naman pinagyayabang na may talent ako.. Oo marunong ako kumanta, oo may alam ako sa pagluluto, pero ginagawa ko yun because it's something that makes me happy at hindi ko yon ginagawa para magpasikat, sumipsip o magyabang.. MAHIRAP BA INTINDIHIN YON?
Isa pa, ako ang isasali e hindi ko nga alam kung aabot pa ako sa trabaho next week, dahil for some twisted reason, ang boss namen e nagpapa end of contract pag natripan nya.. I am already reviewing my options..
Ang nakakaasar pa dito, nasa bahay na lang ako, may mga nagtetext pa, worse, hindi na nila ako tinatanong kung gusto kong sumali, inuutusan na nila ako na magready ng ipepresent ko, gawd.. Hindi ko ikayayaman ito, hindi ko ikapo-promote, so sana tigilan na nila ako..
I felt disappointed kasi naconsume ko yung weekend ko thinking of how I can make my teammates understand na ayokong sumali.. I thought of making a bargain, na ang motive e makaganti dun sa nagtext sakin na inutusan ako magprepare ng number.. But I realized na hindi ko dapat ibaba yung sarili ko dahil lang dun.. Na ayokong gumanti dahil hindi nakakabuti yun..
Disappointed din ako dahil hindi naman ako basta basta bumibigay sa ganitong sitwasyon.. Kaso it brought a lot of stress to a point na I feel that I will be dragging my feet to work.. Dahil pagpasok ko pipilitin na naman nila ako..
Hay..
Well.. Wala talaga akong maisip na title para sa post na ito.. Being said, wala rin akong maisip na specific na topic.. Started first day of the week.. Nakaisip ng topic, kaso di nakapagblog.. Hangang sa sunud sunod na yung mga ideas at ngayon jambol jambol na lang.. So I'll type anything and move to the next topic as I go..
Kinausap ako ng TM ko about our plans to leave the company.. Ako at ang mga kabatch ko sa team.. Apparently one became the spoiler so during my coaching session I was asked about it..
Well I was honest.. sinabi ko naman na mukhang wala akong plans na magtagal.. Pero hindi ko pa nakikita ang sarili kong umalis in the near future.. Hindi ko pa kayang pakawalan yung convenience ng oras ko at yung lapit ng trabaho sa tinitirhan ko.. At sabi ko nga, hangga't kaya ko pang ngumiti e mananatili ako.. Pero just in case, nakahanda na ang magandang papel na gagamitin ko sa susunod na kompanyang pagtatrabahuhan ko.. Wala akong iba pang nasabi kundi "TM masaya pa ako e.. At hangga't masaya ako hindi ako aalis"
Ayun..
Tapos kanina nakapagpagupit nako.. Almost close dun sa gupit na gusto ko.. Di lang naging exavt kasi naging impatient ako.. I could have grown my hair a bit longer pero di ko na kaya.. Di nako kumportable sa buhok ko.. Hehe.. Anyways.. Narealize ko na wala sa presyo ng gupit kung gaano ito magiging kaganda.. Nasa skill ito ng gumugupit..
Ngayon ko lang nabasa yung email tungkol sa love story nung magjowang bading na mga bata.. It was so tragic.. Dahil bata pa sila they were so passionate about it.. Now my concern goes to that 3rd party kid.. Sha yung nabuhay.. Dadalhin nya yun.. Nakatatak na sa kanya.. Written all over his face.. Na sya ang dahilan kaya namatay yung magjowa.. Anu magiging tingin sa kanya ng mga tao sa paligid nya? Did he learn from that? Ito yung mga bagay na hindi mo pwedeng sabihing "well, charge it to experience' kasi hindi lang sha ang involved at hindi basta basta ang nangyari.. Buhay ang naging kapalit ng pagiging 3rd party nya.. Kakarmahin din ba sha?
Bumili nako ng magandang notebook.. I need to start taking notes again.. And for me to want to take down notes, dapat maganda yung susulatan ko..
Bumili din ako ng mga libro.. I need to start reading again..
Andami ko nang nasabi.. Ayan malapit na naman umatake ang writer's block..
Balik vlogging na naman ako.. Kakaupload ko lang sa youtube..